^

Police Metro

17 Vietnamese, nasagip sa palubog na cargo vessel sa Palawan

Ed Amoroso, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) ang 17 tripulanteng Vietnamese sa sinasakyang papalubog na barko sa karagatang sakop ng Balabac, Palawan, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Coast Guard, patungo na sana sa Cagayan de Oro ang cargo vessel na Viet Hai Star na may lulang 4,000 tonelada ng bigas mula sa Ho Chi Minh City, Vietnam nang sumadsad ito 810 yarda na lamang ang layo mula sa Balabac Port nitong Martes ng gabi.

Napansin din ng mga tripulante na nabutas ang kanang bahagi ng barko kaya’t nagpasaklolo sila sa PCG at PNP-MG na agad na nagsagawa ng joint search and rescue operation.

Bago pa mapuno ng tubig ang harapang bahagi ng barko alas-9:45 ng gabi ay nasagip ang 17 Vietnamese.

Sinabi ng PCG na palubog na ang barko nang mamonitor nila ang sitwasyon, alas-9:21 ng umaga ng Miyerkules.

Nasa maayos nang kala­gayan ang 17 ­Vietnamese at patuloy pa rin ang imbestigasyon ng PCG sa insidente.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with